Itanong Mo Sa Bituin

 

Itanong Mo Sa Bituin

Isang gabi’y manungaw ka.
Sa bunton ng panganorin
ay tanawin ang ulila’t naglalamay na bituin;
Sa bitui’y itanong mo ang ngalan ng aking giliw
at kung siya’y magtatapat, ngalan mo ang sasabihin.

Ang bitui’y kapatid mo. Kung siya ma’y nasa langit,

ikaw’y ditong nasa lupa’t bituin ka ng pag-ibig;
dahil diya’y itanong mo sa bituin mong kapatid
kundi ikaw ang dalagang minamahal ko nang labis.

Itanong mo sa bitui’t bituin ang nakakita

nang ako ay umagahin sa piling ng mga dusa;
minagdamag ang palad ko sa pagtawag ng Amada,
ngunit ikaw na tinawag, lumayo na’t nagtago pa.




Pagsusuri sa Tula: "Itanong Mo sa Bituin" ni Jose Corazon de Jesus

1.) Paksa ng Tula: Ang tula ay naglalarawan ng pag-asa at pag-ibig na may kahulugan sa mga tala o bituin. Ipinapakita nito ang pagtatanong sa mga bituin upang matuklasan ang pag-ibig at kasagutan sa pangungulila.

2.) Mensahe ng Tula: Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin ng pag-asa at pag-ibig, na may kahulugan sa kaharian ng langit. Sa kasalukuyang panahon, ang mensahe nito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtitiwala at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok at kahirapan. Ang kapakinabangan nito ay naglalaman ng pagpapalakas ng loob at pananampalataya sa pag-asa ng pag-ibig at tagumpay sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Magandang Parol

Kahit Saan